10 pelikulang pasok sa MMFF, alamin!

59

Inanunsiyo na ng Metropolitan Manila Development Authority ang 10 pelikulang pasok sa final line up para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kabilang dito ang mga sumusunod:


– Magikland
– Coming Home
– The Missing
– Tagpuan
– Isa pang Bahaghari
– Suarez: The Healing Priest
– Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim
– Pakboys Takusa
– The Boy Foretold by the Stars
– Fan Girl

Ayon kay MMFF Chairman Danny Lim, katuwang ang Globe Telecom, mapapanood ang mga pelikula online sa pamamagitan ng Upstream at GMovies.

Sinabi naman ni MMFF Spokesperson Noel Ferrer na hindi na kasama sa listahan ang “Praybeyt Benjamin 3” na pinagbibidahan ni Vice Ganda at ang “The Exorcism of My Siszums” ng magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga.

Paliwanag nito, hindi kasi natapos ang shooting ng pelikula ni Vice Ganda dahil sa hectic schedule nito.




Hindi naman umabot sa deadline ang pelikulang “The Exorcism of My Siszum” dahil sa pagkakaroon noon ni Alex Gonzaga ng COVID-19.

Facebook Comments