10 Pilipinong unang naiulat na nawawala kasunod ng pagsabog sa Beirut, ligtas na ayon sa Philippine Embassy

67

Nahanap na ang sampu sa 11 naiulat na nawawalang Filipino seafarer matapos ang naganap na pagsabog sa Beirut, Lebanon.


Ayon sa Philippine Embassy sa Beirut, ligtas na sa ngayon ang kalagayan ng 10 mga Pilipino.

Nagtamo anila ang sampung seafarer ng minor injuries at kasalukuyang nasa pangangalaga ng shipping company na Abu Merhi Cruises.

Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang Pinoy seafarer.

Nananatili naman sa dalawa ang bilang ng mga Pinoy na namatay sa pagsabog habang walo ang sugatan.

Facebook Comments