10 pulis na iniuugnay sa pagkamatay ng 16-anyos na lalaki sa Laguna, nasa mahigpit na kustodiya na ng PNP

282

Nasa mahigpit na kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang sampung pulis sa Laguna na ini-uugnay sa pagkamatay ng isang menor-de-edad at isa pang kasama nito.

Kinilala ang mga biktima na sina Johndy Maglinte at si Antonio Castillo Dalit na umano’y target ng operasyon laban sa iligal na droga at kasama sa top 10 most wanted ng Laguna.


Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Elezar, inatasan na niya si Calabarzon Police Director Brig. Gen Eliseo Cruz at ang Internal Affairs Service (IAS) para magsagawa ng imbestigasyon sa lalong madaling panahon.

Isasailalim naman sa paraffin test ang sampung pulis habang nagsagawa rin ng ballistics examination sa kanilang mga baril.

Maaaring maharap sa kasong administratibo at kriminal at mga pulis kapag napatunayang guilty sa pagkamatay ng mga biktima.

Sa ngayon, maliban sa PNP ay nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa insidente.



Facebook Comments