10 sundalo na nakipagbakbakan sa Abu Sayyaf Group, binigyan ng medalya ng katapangan

67

Manila, Philippines-Personal na sinabitan ng medalya ng katapangan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief of staff General Eduardo Año ang 10 natatanging sundalo na nakipagbakbakan sa Abu Sayyaf Group.

Isinagawa ang awarding cermeonny sa Camp Tedolfo Bautista sa Jolo, Sulu kaninang umaga.

Dalawang sundalo ang nakatanggap ng gold cross medal.

Silver cross medal naman ang para sa 2 pang sundalo- ang mga ito ay ang nakarekober sa labi ni Juergen Kantner.

Habang military merit medal naman para sa 8 iba pa.

Isa rin sa binigyan ng parangal ay ang sundalong kabilang sa grupong nakarekober sa mga labi ni John Ridsdel ang German hostage na pinugutan ng Abu Sayyaf Group.

Facebook Comments