10 suspek sa Degamo slay case, hawak na ng pamahalaan

Hawak na ngayon ng pamahalaan ang lima pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, ang mga ito ay sumuko at nakatakdang i-turnover sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa ngayon, kabuuang 10 mga suspek na ang hawak ng mga awtoridad.


Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Crispin Remulla na nasa lima hanggang anim na suspek pa ang nananatiling at-large.

Kasunod nito tiniyak ng Task Force Degamo na gagawin nila ang lahat upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay kay Governor Degamo.

Facebook Comments