10 tripulante, patay sa nasusunog na 2 barko

3261

Eastern Europe – Nasa 10 tripulante ang patay habang 14 ang nailigtas matapos masunog ang dalawang barko sa Kerch Strait, malapit sa Crimea.

Sa ulat, tumalon sa dagat ang mga tripulante para makaligtas sa nagbabagang apoy na nagsimula nang gawin ang ship-to-ship fuel transhipment.

Ang mga dalawang barko ay mayroong kabuoang 31 crew members na pawang mga Turking at Indian nationals.

Patuloy pa rin ang rescue operation.

Facebook Comments