100 kilo ng shabu, nakumpiska sa apat na drug suspek sa Pasay City

138

Arestado ang apat katao matapos makumpiskahan ng 100 kilo ng shabu sa isang buy bust operation sa Pasay City.

Kinilala ang mga arestado na sina Janice Braga, Rowella Estonactoc, Mercidita Navarro at Rodel Santiago.


Target ng operation si Braga na gumagamit din ng mga alias na “Karen” at “Kan” na matagal rin isinailalim sa surveillance.

Nagkasundo ang posuer buyer at si Janice na magkikita sa #374 G. Villanueva St., Brgy. 53, Zone 7, Pasay City.

Dumating si Janice at ang kaniyang tatlong kasama. Nang magpositibo ang transaksyon dito na dinamba ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang shabu na may timbang na 15.1 grams, mga drug paraphernalia at ang boodle money.



Facebook Comments