1,000 nurse, kailangan sa Saudi Arabia

Good news! Sa mga gustong magtrabaho abroad – nangangailangan ngayon ang Kingdom of Saudi Arabia ng isang libong nurse.

Ayon sa Ministry of Health, dahil ito sa pangangailangan nila ng mga babaeng specialist nurse.

Bukod naman sa pagkakaroon ng degree sa nursing kinakailangan din ay may lisensya sa Professional Regulation Commission (PRC) at may work experience na hindi bababa ng isang taon.


Ang mga matatanggap ay libre sa pagkain, matutuluyan at taunang paid vacation leave.

Sa mga interesado mag-register lang sa website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na: poea.gov.ph at magsumite ng kaukulang dokumento sa kanilang main office sa Mandaluyong City.

Facebook Comments