10,000, lumahok sa nationwide “pink caravan” ng supporters nina VP Leni at Kiko

Mahigit 10,000 sasakyan ang lumahok sa nationwide “pink caravan” noong Sabado bilang suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa 2022.

Isinagawa ito sa 50 lugar sa bansa gaya sa Cebu at Boracay na pati mga bangka ay lumahok sa caravan habang ang ibang nasa probinsya ay sumali sakay ng kanilang kalabaw.

Sariling sikap din ang mga supporters na magtali ng mga ribbon, flaglets, at mag-print ng stickers at tarpaulin para kay VP Leni at Kiko.


Ayon kay VP Leni, masaya siya na makitang nagsasama-sama ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang antas ng buhay para magpakita ng suporta sa kanilang kandidatura.

Aniya, patunay ito na taumbayan ang mismong nagpapatakbo ng kanilang kampanya.

Facebook Comments