100,000 COVID test kada araw, kayang abutin ng Pilipinas ayon sa isang eksperto

67

Posibleng maabot ng Pilipinas na makapagsagawa ng 100,000 COVID test kada araw.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, infectious diseases specialist at miyembro ng technical advisory group ng Department of Health (DOH), kaya lamang nasa higit 40,000 ang COVID test na nagagawa sa isang araw ay dahil alinsunod ito sa demand.

Hindi rin kasing makabubuti kung isasailalim sa RT-PCR test ang mga indibidwal na walang exposure o walang ipinakikitang sintomas ng COVID-19.


“Actually, kaya naman natin mag-hundred thousand in terms of capacity kung kinakailangan pero kung hindi kinakailangan bakit naman po tayo magti-test nang walang exposure, nang walang sintomas?

Kasi alam naman natin ang tests natin are not perfect and so kung hindi natin sila gamitin nang maayos lalo na doon sa low risk, mataas rin po iyong tinatawag natin na false negative rate dahil kung masyado mong maaga i-test ang isang tao kahit may exposure sila, maaaring negative iyan pero actually may COVID sila.” ani ni Salvana.

Sa ngayon, binigyang-diin ng eksperto na angkop dapat ang paggamit sa mga testing upang i-maximize ang COVID test at masigurong tama ang mga datos na nakokolekta ng pamahalaan.



Facebook Comments