100,000 piraso facemask natanggap ng Philippine Army mula sa isang International Corporation

45

Nakatanggap ang Philippine Army ng 100,000 piraso ng facemask mula sa Medtechs International Corporation Limited kahapon.

Sa ulat ni Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zagala, tinanggap mismo ni Army Support Comman o ASCOM Commander Major General Glenn Cruz ang daang libong face mask.

Sinabi ni Zagala, ipapamahagi ang mga facemask sa lahat ng kanilang tauhan na nakadeploy sa frontlines para makaiwas na mahawaan ng COVID-19.


Nagpasalamat naman si Maj/Gen. Cruz sa Medtechs International Corporation Limited dahil sa commitment nilang tumulong sa hanay ng mga sundalo na ngayon ay patuloy na nakadeploy sa field at nagpapatupad ng quarantine protocols dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments