101 taong gulang, nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa Leyte

53

Nabakunahan na ang 101 taong gulang na si Luz Montejo-Sevilla laban sa COVID-19 sa Palo, Leyte.

Ibinahagi ni Maurin Mae Dolina ang larawan ng kaniyang centenarian na lola sa social media kung saan una na itong naka-survive sa COVID-19 noong Enero.


Ayon kay Dolina, nag-alangan pa ang kanilang pamilya na bakunahan si Lola Lucing dahil sa katandaan nito at dahil sa maaaring side effects ng COVID-19 vaccine.

Pero, ibinahagi ito upang mahikayat pa ang ibang indibidwal na magpabakuna rin.

Facebook Comments