1,020 pang Pinoy repatriates mula sa Middle East, dumating ngayong araw

51

3 pang batch ng Filipino repatriates ang dumating sa bansa ngayong araw matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic sa Middle East.

Ang unang batch na 350 Pinoy repatriates mula Dammam via Philippine Airlines flight PR683 ay dumating kaninang bago mag alas-10:00 ng umaga.

Sinundan naman ito ng 350 OFWs mula Qatar via Philippine Airlines flight PR685.

Ang ikatlong batch ay 320 Pinoy repatriates mula Abu Dhabi via Etihad Airlines flight EY424 na dumating kaninang bago mag alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments