109 na mga contractual employee ng Pasig City Hall, regular na

225

Matapos ang dalawang dekadang pagiging contractual status na empleyado ng City Hall ng Pasig, isa na ngayong regular employee ang 109 na manggagawa sa nasabing munisipyo.

Iginiit Pasig Mayor Vico Sotto na walang halong politika ang pagkakaregular ng nasabing mga manggagawa.


Tiningnan aniya lang kung kwalipikado at kung mayroong maaayos ang track record ng mga ito.

Pahayag ng alkalde ng pinapatay na niya ang kultura ng palakasan sa kanyang pamahalaan.

Dagdag pa niya na lahat ng ito ay para sa patuloy na pagtataas ng antas ng serbisyo ng pamahalaan ng Pasig.

Sa ngayon aniya, inaayos na ang Strategic Performance Management System (SPMS) ng kanilang HR department, para maisali na sila sa mga programa para sa professional development.

Facebook Comments