11 Indibidwal Kabilang ang 2 Menor De Edad, Timbog sa Pagsusugal

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling ang labing isang (11) katao matapos mahuli sa pagsusugal sa Tuguegarao City, Cagayan.

Karamihan sa mga nahuli ay mga nasa hustong gulang habang dalawa sa mga ito ay mga menor de edad na pawang mga residente sa Linao East, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, naaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis sa lugar na kasalukuyang naglalaro ng bet game ang mga suspek na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.


Nakumpiska sa lugar ang isang (1) set ng baraha, isang (1) lamesa at pera na nagkakahalaga ng Php445.00.

Unang dinala sa ospital ang mga nahuling suspek para sa physical examination bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon habang ipinasakamay naman sa WCPD ang dalawang suspek para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments