11 lalaki, huli sa pagsasabong sa dalawang magkakahiwalay na insidente sa Muntinlupa at Maynila

36

Timbog ang 11 kalalakihan dahil sa pagsasabong sa dalawang magkakahiwalay na insidente sa Metro Manila.

Huli ang pitong lalaking naaktuhang nagtutupada sa Barangay Buli, Muntinlupa.


Nakumpiska sa mga ito ang dalawang panabong na manok at pantaya na higit P1,000.

Sa hiwalay na insidente naman sa Maynila, huli sa kuha ng CCTV ang apat na lalaking nagsasabong.

Nauna nang nagbabala ang mga taga-barangay na itigil ang sabong at umalis na ngunit nagtuluy-tuloy pa rin ang mga ito sa tupada.

Napilitan na ang barangay na tumawag ng pulis at nakumpiska sa mga lalaki ang dalawang panabong na manok at P1,000 pantaya.




Paalala naman ng mga otoridad na mahigpit pa rinh ipinagbabawal ang pagsasabong sa ilalim ng community quarantine dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments