11 pasahero, sugatan sa salpukan ng sinasakyang bus at isang delivery van sa Zamboanga City

82

Zamboanga City, Philippines – Sugatan ang 11 pasahero ng isang bus matapos itong salpukin ng isang delivery van sa highway ng Sitio Mala, Barangay Panubigan sa Zamboanga City.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Station-2, nanggaling sa Pagadian City ang bus ng rural Transit Mindanao Incorporated na minamaneho ni Hendrew Cagaco Povadora, 39-anyos na may sakay na 35 pasahero nang mangyari ang aksidente dakong alas-onse ng umaga kanina.


Ayon sa imbestigasyon, sumabog umano ang isang gulong sa likurang bahagi ng delivery van na may kargang mga dressed chicken na minamaneho ni Nemesio Lambo Manligro Jr., 47-anyos ng Ozamis City, kaya nawalan ito ng kontrol sa pagtakbo at tuluyang bumangga sa katabing bus.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang aksidente para matukoy kung sino ang dapat managot sa pangyayari.
DZXL558

Facebook Comments