11 PUI sa Nueva Vizcaya, Negatibo sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Negatibo sa resulta ng corona virus o COVID-19 ang 11 na isinailalim sa pagsusuri matapos makitaan ng sintomas ng naturang sakit.

Ito ay batay sa pahayag ni Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer ng Probinsya ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Dr. Galapon, hinihintay na lamang ang tatlo pang resulta ng pagsusuri na manggagaling sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Nagpaalala naman ito sa publiko na ugaliin pa rin ang social distancing para matiyak ang hindi pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Sinabi naman ni Governor Carlos Padilla na patuloy silang maghihigpit sa lahat ng checkpoints para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Sa ngayon ay nananatiling COVID-19 FREE pa rin ang buong Cagayan Valley.

Facebook Comments