11,000 MANGGAGAWA SA LA UNION, UNANG MAKAKABILI NG P20 KADA KILO NG BIGAS SA ILOCOS REGION

Mababahagian ng pagkakataong makabili ng P20 kada kilo ng bigas ang nasa 11,000 manggagawa na minimum-wage earners sa La Union ngayong araw sa unang paglapag ng programa sa Ilocos Region.

Ito ay matapos ilunsad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture ang “Benteng Bigas, Meron Na” Program sa Ilocos Region bukod pa sa mga kasapi ng vulnerable sectors na tinukoy bilang unang benepisyaryo ng programa sa bansa.

Ang listahan ng mga inisyal na benepisyaryo ay tinukoy kalakip ng payroll records na kumikita ng P468 kada araw base sa itinakdang minimum wage sa non-agricultural business na may hindi bababa sa sampung empleyado sa rehiyon.

Maaaring makabili ng tig-sampung kilo ng P20 bigas ang bawat benepisyaryo na maaaring makuha sa kanilang mga employer.

Ang lalawigan ng La Union ang pinakaunang lalawigan sa Ilocos Region na mababahagian ng naturang programa ngunit plano pang palawigin sa iba pang lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments