114 na tauhan, ipadadala ng Pilipinas sa Myanmar para tumulong matapos ang pagtama ng 7.7 magnitude na lindol

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang pagpapadala ng tulong sa Myanmar matapos pagtama ng 7.7 magnitude na lindol.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagkaroon na rin ng inter-agency meeting sa mga kaukulang ahensya para i-mobilize ang mga tauhan tutulong sa sakuna.

Aabot sa 114 na personnel ang nakatakdang umalis ng Pilipinas na bukas, April 1.

Pero sabi ni Castro, tentative pa ang petsa na ito o posible pang mabago.

Samantala, tiniyak naman ng Palasyo na nakahanda ang Pilipinas sakaling tumama ang The Big One.

Bagama’t tuloy-tuloy naman aniya ang mga earthquake drill sa bansa, hindi dapat magpakampante ang lahat dahil hindi natin masasabi kung kailan mangyayari o tatama ang ganitong sakuna.

Facebook Comments