1,170 na doses ng Pfizer,dumating na sa Pasay; pagpapabakuna posibleng pasimulan bukas

Dumating na sa Pasay City ang1,170 dose ng COVID-19 vaccine na Pfizer.

Sa abiso ng Pasay Local Government Unit, nasa 585 ang COVID-19 slots at posibleng pasimulan ang vaccination bukas.

Pre-listed na ang mga babakuhanan at prayoridad ang mga A1, A2 at A3 sa priority list.


Hindi na muna gagamitin bilang isolation facility ang Burgos Elementary School sa halip ito ang magsisilbing vaccination site.

Nagpa-abiso na ang lokal na pamahalaan at Department of Education (DepEd) at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa gagawing vaccination activity.

Facebook Comments