117TH POLICE SERVICE ANNIVERSARY | 10 police officer, Non Uniformed personnel at 18 PNP units, bibigyan ng parangal

152

Manila, Philippines – Paparangalan ang walong police officers dalawang Non uniformed personnel at 18 PNP units sa gagawing selebrasyon ng ika-117th Police Service Anniversary.

Dalawa sa Police officers na paparangalan ay si Police Senior Supt. Leony Roy Ga ng Police Regional Office 10, tatangap ito ng medalya ng kasanayan at achievement award bilang Best Senior Police Commisioned Officer for administration at si Police Senior Supt. Marlon Tayaba ng PNP regional office 6 na tatangap rin gn medalya ng Kasanayan at achievement award dahil sa pagiging best senior Police Commissioned Officer for operations.

Kabilang naman sa 18 PNP Units na bibigyang parangal ay ang Police Regional Office 4A, PNP CIDG, NCRPO.

Habang tatangap naman ng special awards ang NCRPO, Counter intelligence task Force, dahil sa malaking accomplishment may kinalaman sa kampanya kontra droga at PNP internal cleansing program.

Dahil naman sa pagkakaresolba sa sensational criminal case sa region 3 tatangap ng special award ang Police regional Office 3.

Makakatanggap rin ng special award ang Police Regional office 12 dahil sa accomplishment kontra terorismo.

Ang parangal ng mga awardees ay igagawad mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbinf guest of honor ang speaker sa selebrasyon ng police anniversary.

Facebook Comments