118 Overseas Filipinos, bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad

Panibagong 118 Overseas Filipinos ang gumaling sa COVID-19 sa ibayong dagat.

67 naman ang bagong kaso at wala namang naitalang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 23,384 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na na-infect ng COVID-19.


8,332 naman ang aktibong kaso habang 13,663 ang gumaling na.

Habang ang kabuoang bilang ng mga Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa virus ay 1,389.

Facebook Comments