12 Pinoy sa abroad, nadagdag sa bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19

47

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 12 overseas Filipinos na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Samantala, nakapagtala rin ang DFA ng malaking recovery na 58 habang 29 ang bagong kaso.


Sa ngayon, 15,052 na ang mga Pinoy sa abroad na kabuuang na-infect ng virus.

Sa nasabing bilang, 4,506 pa ang patuloy na nagpapagaling habang 9,513 na ang kabuuang naka-recover.

Umaabot naman sa 1,033 ang mga binawian ng buhay.

Facebook Comments