12 indibidwal, nasawi sa gas explosion sa China

27

Aabot sa 12 na indibidwal ang nasawi habang 37 ang sugatan sa malaking gas explosion sa China.

Ayon sa otoridad, nasa 138 na indibidwal ang nailikas sa pinangyarihan ng pagsabog sa distrito ng Zhangwan sa probinsya ng Hubei sa China.


Kaugnay nito, maraming pa rin umanong mga indibidwal na naipit at na-trap sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Habang sa ngayon ay iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng nangyaring pagsabog.

Facebook Comments