12 kababaihan, nasawi sa pagguho ng isang minahan sa Indonesia

42

Patay ang labing-dalawang babae matapos mabaon sa gumuhong minahan na kanilang pinagtatrabahuhan sa North Sumatra, Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, ang mga naturang nasawi ay nasa edad 30 hanggang 55 anyos.

Batay sa imbestigasyon, ang mga biktima ay naghuhukay ng ginto sa isang abandonadong ilegal na minahan, kung kaya’t hindi gumagamit ang mga ito ng wastong safety equipments.


Ang Indonesia ay kilala na mayaman sa mga mineral kung saan talamak ang mga hindi lisensiyadong minahan na naghahanap ng natitirang gintong ore sa nasabing lugar.

Facebook Comments