12 katao – arestado sa nadiskubreng iligal na pasugalan sa dekalibreng KTV bar sa Sta. Cruz, Maynila

58

Manila, Philippines – Arestado ang 12 katao matapos salakayin ng mga otoridad ang isang dekalibreng KTV bar sa Sta. Cruz, Maynila.

Ito’y matapos madiskubre na mayroon itong iligal na pasugalan ang park view KTV bar.

Sangkot ang nasabing KTV bar sa ilang illegal bookies operation at nadatnan pa ang ilang palabas na karera ng kabayo.

Ayon kay NBI special Investigation Forces Deputy Dir. Jun De Guzman – kabilang sa mga naaresto ang dalawang bet collector, personnel, supervisor ng bar kasama ang mga Filipino-Chinese umano’y nasa likod ng illegal bookies operation.

Hinuli rin ang walong parokyanong pumupusta.

Kinumpiska na rin ang ilang gambling paraphernalia.

Kakasuhan ng illegal gambling ang mga suspek.
DZXL558

Facebook Comments