12 katao, patay sa nangyaring gas blast sa Pakistan

44

Hindi bababa sa 12 katao ang patay sa nangyaring gas blast sa lungsod ng Karachi sa Pakistan.

Nagmula ang pagsabog sa isang bangko sa parte ng Sher Shah kung saan tumalsik ang mga pinto at bintana habang naglipana ang mga dokumento sa lugar.

Damay rin sa insidente ang ilang nakaparadang sasakyan at motorsiklo sa lugar.


Ayon sa mga otoridad, 12 katao ang kumpirmadong patay habang 13 ang ginagamot sa sugat na natamo.

Itinuturong dahilan sa pagsabog ay ang mga palyadong gas cylinders na ginagamit sa pagluto maging sa pagkarga ng krudo sa mga kotse.

Facebook Comments