12 katao, patay sa pananalasa ng bagyo sa Russia

World – Nasawi ang 12 katao matapos mabagsakan ng puno at debris ng mga gusali sa gitna ng pananalasa ng malakas na bagyo sa Moscow, Russia.

Sa ulat, daan-daang mga puno ang nagbagsakan na siyang humarang sa mga daan, street lights at metro railways na ikinasugat naman ng 69 na katao.

Batay sa kanilang weather agency, umaabot sa 110 kilometers per hour ang lakas ng hanging dulot ng bagyo na maituturing extremely rare sa lungsod ng Moscow lalo na at bihira itong tamaan ng bagyo.


Ang nabanggit na death toll ang isa sa pinakamataas na naitala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo sa loob lamang ng isang araw sa nakalipas na halos 20 taon.

DZXL558

Facebook Comments