12 madre mula sa isang monasteryo sa Tanay, Rizal, nagpositibo sa COVID-19

Aabot sa 12 madre mula sa Carmel of Mary, Star of the Sea Monastery sa Tanay, Rizal ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Fr. Miguel Condes, spiritual adviser ng Carmelite Monastery, karamihan sa mga madre ang asymptomatic habang iilan ang nakakaranas ng mild symptoms.

Fully vaccinated naman kontra COVID-19 ang lahat ng nagpositibo maliban sa isang sumasailalim sa chemotherapy.


Sa ngayon, naka-quarantine na sa loob ng monastery ang mga madre.

Matatandaang batay sa datos ng Catholics Bishops Conference of the Philippines, aabot sa siyam na madre mula sa Religious of the Virgin Mary ang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments