12 residente ng Barangay Apolonio Samson, nagpositibo sa COVID-19

23

Labingdalawa pang indibidwal mula sa 70 isinailalim sa COVID testing sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito’y matapos magsagawa ng expanded COVID testing ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) sa Magsalin Compound sa nasabing barangay.


Tatlo sa kabuuang bilang ay close contact ng mag asawang unang nagpositibo sa COVID-19. Isa sa kanila ay senior citizen at dalawa ang menor de edad.

Naka-lockdown na ng 14 -araw ang lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Lahat ng nagpositibo ay dinala na sa quarantine facility para sa medical treatment at monitoring.

Facebook Comments