120 pulis, nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19

45

Nadagdagan pa ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 3,669.

Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO), kahapon ay may panibagong 120 mga pulis ang infected ng COVID-19.


69 sa mga nagpositibo ay nakatalaga sa National Operation Support Unit (NOSU), 18 sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 14 sa Police Regional Office (PRO)-3, walo sa PRO-4A, tatlo sa PRO-COR at tig-iisa na nag-positive ang nakatalaga sa National Headquarters, NASU at PRO-8.

Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,626 na ang gumaling habang ino-obserbahan pa ang 628 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,810 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman sa 16 na pulis ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments