Paiigtingin pa ng hanay ng kapulisan sa Ilocos Region ang pagbabantay sa kabilaang checkpoints upang mapigilan ang pagdadala ng baril at anumang armas ngayong umiiral ang Gun Ban kasunod ng 2025 National and Local Elections.
Sa pahayag ni PRO 1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista, aabot sa 1,200 na personnel ang nakadeploy sa bawat bayan sa rehiyon at may tig-dalawang oras na shift sa pagbabantay sa mga checkpoint at iba pang krimen.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code ng COMELEC, tanging uniformed personnels at iba pang law enforcement agencies na awtorisado ng tanggapan ang maaaring magdala ng armas tuwing election period.
Hinihikayat ng kapulisan ang publiko sa maagap na pagrereport ng mga gun ban violations sa kanilang lugar upang matiyak ang pakikiisa sa malinis at matiwasay na halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments