
Nasamsam ng National Bureau of Investigation—Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) sa Cavite City ang ilang counterfeit products na may trademark ng branded na bag.
Ang naturang items ay nagkakahalaga ng ₱121.6 million.
Nag-ugat ang raid matapos magsumbong sa NBI ang representative ng branded na bag kaugnay ng hindi awtorisadong pagbebenta ng naturang counterfeit products.
Ang mga suspek na nasa likod ng iligal na distribusyon ng naturang items ay nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.
Nagpaalala naman ang NBI sa publiko na huwag tangkilikin ang counterfeit products.
Facebook Comments