13-anyos na nabundol ng pulis, sugatan

91

Manila, Philippines – Nagtamo ng mga galos at hinihinalang may bali sa buto ang isang trese anyos na lalaki matapos itong tumawid sa kalsada.

Ayon sa saksi na si PO1 Francis Ellamin, nagmamadaling tumawid ang binatilyo kahit na wala ito sa tamang tawiran.


Nasagasaan ang binatilyo ng nagmomotorsiklo na pulis na kinilalang si PO1 Jake Gasingan na iginiit na mabilis ang patakbo niya.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries ang pulis.

Facebook Comments