13 katao, huli sa magkahiwalay na buy bust operation na isinagawa sa Northern Cebu

Cebu, Philippines – Umabot sa mahigit P800,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkaibang drug bust operations sa lungsod ng Danao at bayan ng Consolacion sa Northern Cebu.

Sa Danao City, 12 katao ang naaresto mula sa limang buy bust operations at isang suspek naman ang nahuli sa bayan ng Consolacion .

Mahigit 80 na gramos ng shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek, na nagkahahalaga ng tinatayang P800,000 ayon sa itinakdang halaga ng Dangerous Drugs Board (DDB).


DZXL558

Facebook Comments