13 katao, patay sa pagguho ng isang restaurant sa China

Umakyat na sa 13 katao ang nasawi matapos ang nangyaring pagguho sa isang restaurant sa hilagang bahagi ng China.

Ayon sa ulat, kahapon ng umaga ay bumigay ang dalawang palapag na gusali na matatagpuan sa Xiangfen county, Shanxi province.

Aabot naman sa mahigit 700 katao ang nagtulong-tulong sa rescue operation sa naturang insidente.


Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang paghahanap ng mga rescuers sa mga na-trap sa gumuhong establisyimento.

Hindi pa mabatid kung ano ang naging dahilan ng insidente.

Facebook Comments