13 miyembro ng Maute, naitalang patay habang lima naman sa panig ng Militar

187

Manila, Philippines – Umabot na sa 13 miyembro ng Maute group ang napatay ng tropa ng pamahalaan sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Col. Joar Herera, tagapagsalita ng 1st infantry division ng Philippine Army – nerekober din sa bandidong grupo ang isang m16 rifle at component ng Improvised Explosive Device.


Nauna rito ay umapela sa publiko ang militar na huwag ilagay sa online media ang posisyon ng mga sundalo para hindi mamonitor ng kanilang mga kalaban.

Sa ngayon, patuloy ang palitan ng putok sa ilang mga lugar malapit sa mismong kabayanan ng Marawi City ayon sa mga ulat.
DZXL558

Facebook Comments