13 pang Pinoy sa abroad, gumaling sa COVID-19

13 overseas Filipinos ang bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad.

12 naman ang bagong na-infect ng virus pero walang bagong binawian ng buhay sa COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 18,325 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat.


Ang aktibong kaso ay nasa 5,947.

Ang kabuuang gumaling na ay 11,233 at ang kabuuang binawian ng buhay ay 1,145.

Facebook Comments