13 PNP personnel, panibagong gumaling sa COVID-19

20

Nadagdagan ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) Personnel na gumaling sa COVID-19.

Batay ito sa ulat ng PNP Health Service kagabi kaya umabot na sa 9,021 recoveries.


Pero 41 naman ng tauhan ng PNP ang nadagdagan sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Pinaka marami sa mga bagong positibo naitala ay sa Police Regional Office 1 na mayroong walong kaso.

Sa ngayon, mayroon ng 9,422 COVID cases sa PNP, 373 dito ay active cases habang nananatili sa 28 ang nasawi.

Facebook Comments