130 Baranggay sa Maguindanao apektado ng baha

Labing anim na mga bayan sa Maguindanao ang apektado ngayon ng baha. Sinasabing nasa 35 libong pamilya mula 130 mga barangay ang naperwisyo ng kalamidad.
Sa impormasyong nakuha mula sa ARMM Heart kabilang ang mga bayan ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura , Mangudadatu, Shariff Saydona, Sultan Sa Barongis, Ampatuan, Northern Kabuntalan, Moth er Kabuntalan, Rajah Buayan, Buluan , Mamasapano, Datu Salibo, Paglat Datu Paglas , Datu Piang, Pandag at Buldon.
Kaugnay nito nagpapatuloy naman ang monitoring ng ARMM Heart sa lahat ng mga residenteng apektado.Nagpapatuloy rin sa kanilang ginagawang assessment ang mga ito sa iniwang pinsala ng bagyong si Paolo sa buong rehiyon.
Samantala, napag alaman mula kay Lynette Estandarte ng Maguindanao People’s Medical Team na on standby na rin sila para sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga residenteng naapektuhan.

Facebook Comments