130 Baranggay sa Maguindanao drug-cleared na

28

Limang baranggay mula sa dalawang bayan ng Maguindanao ang naidagdag sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency ARMM na drug cleared.

Kinabibilangan ito ng mga Brgy. Kabinge, Kitango sa Datu Saudi Ampatuan at mga barangay ng Penditin, Ganoy at Animao sa Datu Salibo.

Sinsabing dumaan ito sa masusing assessment at validation ng oversigth committee na pinangunahan mismo ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin.

Sa kasalukuyan tinatayang humigit kumulang 130 baranggay na sa buong Maguindanao ang naideklarang drug cleared.
Puspusan naman ang panawagan ng Provincial Government sa publiko na makiisa sa kampanya ng pamahalaan na matuldukan ang problemang dulot ng illegal drugs.

Facebook Comments