13,000 INDIBIDWAL SA ILOCOS REGION, SASAILALIM SA CASH-FOR-WORK TRAINING TUNGO SA FOOD AT WATER SECURITY

Sasailalim sa 20-araw na cash-for-training at cash-for-work program ang 13,000 katao sa Ilocos Region upang pagtibayin ang kakayahan ng mga komunidad laban sa krisis sa tubig at pagkain sa ilalim ng proyektong LAWA at BINHI ng DSWD at DOLE.

Paglalaanan na aabot sa PHP114.2 milyon na pondo ngayong taon ang naturang proyekto na may layuning turuan at bigyang-kakayahan ng mga benepisyaryo ng tamang paghahanda sa kalamidad, paggamit ng likas na yaman, at mga sustainable na kabuhayan.

Kabilang sa mga aktibidad ang paggawa ng imbakan ng tubig, aquaponics, urban gardening, at pagtatanim ng mga punong kayang mabuhay sa gitna ng kalamidad.

Ayon sa DSWD, bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng gobyerno laban sa gutom at kahirapan.

Sa huli, iginiit ng tanggapan na hindi lamang ayuda ang proyekto—kundi hakbang umano tungo sa mas matatag, na ang bawat komunidad ay mayroong kakayahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments