134-milyong pisong halaga ng mga shabu at marijuana, sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Malabon

205

Malabon – Nasa 134-milyong pisong halaga ng mga shabu at marijuana ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pasilidad sa Malabon.

Ayon kay Pdea Chief Isidro Lapeña – nakumpiska ang mga ito mula sa magkakahiwalay nilang operasyon noong nakaraang taon.

Una nang nai-prisinta sa korte bilang mga ebidensya ang mga naturang droga.


Aniya, ginagawa nila ang thermal decomposition para hindi maiwasan ang pagre-recycle ng shabu.

Facebook Comments