139 Filipino repatriates sa Myanmar, dumating na sa bansa

39

Mainit na sinalubong ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang 139 na Pilipino mula sa Myanmar na ni-repatriate sa harap ng political crisis doon.

Ayon kay Locsin, ang mga Pinoy na nasa Myanmar ay nais umuwi ng bansa ay maaaring i-avail ang repatriation program sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Yangon at DFA.


Ang repatriation ng mga Pilipino sa Myanmar ay patunay sa matibay na commitment ng pamahalaan para tulungan ang mga Pilipino saanman bahagi ng mundo.

Noong nakaraang linggo, nakapagpauwi na ang DFA ng nasa 252 na Pilipino sa Myanmar.

Sa taya ng DFA, aabot sa 1,200 Pilipino sa Myanmar.

Facebook Comments