14 government agencies, nakapagparehistro na para sa online job fair ng CSC sa Setyembre

69

Hinimok ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensya ng gobyerno na i-rehistro ang kanilang unfilled position para matulungan ang mga Pilipinong naghahanap ngayon ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na mula July 1, 2020, labing-apat na government agency na ang nakapagparehistro sa kanilang 2020 Government Online Career Fair.


May hanggang August 14, 2020 ang mga ahensya ng gobyerno para mai-rehistro ang mga bakanteng posisyon sa kanilang mga tanggapan.

Nilinaw naman ni Lizada na libre ang pagpaparehistro.

Isasagawa ang mega online job fair ng CSC mula September 14 hanggang 18, 2020.

Facebook Comments