14 na district engineer ng DPWH, tinanggal na sa trabaho matapos ang imbestigasyon ng task force ayon kay Sec. Mark Villar

692

Sinibak sa trabaho ang 14 na district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ang ginawang imbestigasyon ng DPWH Task Force Against Corruption.

Ito ang inianunsyo ni DPWH Secretary Mark Villar sa Laging Handa public briefing.


Maliban dito, sinabi ni Villar na magsasagawa rin sila ng rigodon sa loob mismo ng departamento sa mga susunod na araw.

Tuloy-tuloy lamang aniya ang ginagawa nilang imbestigasyon sa iba pang mga reklamo na kasalukuyang binubusisi na ng task force.

Humihingi rin aniya sila ng tulong sa iba pang mga ahensiya para magkaroon ng case build up sa mga inihaing reklamo.

Facebook Comments