14 na lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hindi na nagre-require ng swab test sa mga biyahero

Umaabot na sa 14 na local destinations sa bansa ang hindi na humihingi ng swab tests sa mga pasaherong pumapasok sa kanilang lugar.

Nag-anunsyo na rin kasi ang Bohol, Cebu City, Mandaue City at Roxas na hindi na rin sila nagre-require ng swab test sa mga biyaherong papasok sa kanilang nasasakupan.

Bukod pa rito ang Butuan, Cagayan de Oro, Cebu Province, Iloilo, Guimaras, Pagdian, Maguindanao, Bacolod, Tacloban at Negros Occidental.


Sa halip ay vaccination card na lamang ang kanilang hinihingi sa mga pasahero.

Facebook Comments