14 na opisyal ng PhilHealth, lumagda na ng waiver para sa bank secrecy; resulta ng isinagawang imbestigasyon sa ahensiya, inihahanda na ng DOJ

89

Lumagda na ng waiver para sa bank secrecy ang labing-apat (14) na mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang kinumpirma ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Chairperson ng House Committee on Public Accounts.


Kabilang sa lumagda ay sina;
PhilHealth President at CEO Ricardo Morales
Executive Vice President (EVP) Arnel De Jesus
Senior Vice President (SVP) Dennis Mas
SVP Atty. Rodolfo Del Rosario Jr.
SVP Jovita Aragona
Acting SVP Nerissa Santiago
SVP Renato Limsiaco Jr.
SVP Israel Francis Pargas
VP Oscar Abadu
Atty. Jonathan Mangaoang
VP Shirley Domingo
Area VP Walter Bacareza
Area VP Francisco Soria
Senior Manager Bernadette Lico

Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na inihahanda na ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth.

Habang inaasahan namang pagkatapos ng pagdinig bukas ay makagagawa na ang Senado ng initial committee report para masampahan ng kaso ang mga responsable sa korapsyon.

Facebook Comments