14 na sachet ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa anim na suspek sa isinagawang drug buy bust operation sa Roxas City

Roxas City, Capiz – Arestado ang anim katao sa isinagwang drug buy bust operation ng Roxas City PNP sa Barangay Banica, lungsod ng Roxas.

Nasabat ng mga operatiba ang 14 sachet ng suspected shabu, 500 pesos na marked money at mga drug paraphernalia sa kamay ng subject person na si Johnny Base y Candelario.

Inaresto din ng mga pulis sina Jenil Dasig y Javier, Bernard Deocampo y Javier, Edmund Buenavista y dela Cruz, Arjay Torres y Embucado at Morena Salmazan y Santiago na kasama ni Candelario habang isinasagawa ang operasyon.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

Facebook Comments